Simpleng pagdiriwang ng PSC 30th Anniversary
(Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang simple ngunit simboliko ang gagawing pagdiriwang ng Philippine Sports Commission para sa kanilang ika-30 anibersaryo ngayong araw sa bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

Nagdesisyon ang PSC Board na i-donate ang kanilang anniversary celebration budget para sa mga nasalanta ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.

“Sabi ko nga, trenta na kami, mas mature na kumbaga sa tao. Masaya ang lahat na makatulong kami kahit wala nang selebrasyon,” sabi ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Pinasalamatan din ni Ramirez ang mga nakaraang chairman ng sports agency sapul nang maitatag ito noong 1990.

“We are very happy to celebrate our 30th anniversary. This journey will not be possible without the help of everyone who has been with us since day one,” wika ni Ramirez.

Sisimulan ng PSC ang kanilang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa kasunod ang isang simpleng awarding cere-mony para kilalanin ang “loyalty in service” ng kanilang mga empleyado na nasa 5th, 10th, 15th at 20th years sa serbisyo.

May 16 officials at employees ang gagawaran ng rekognisyon.

Ang pagbibigay ng loyalty award ay ayon sa Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 02-0295.

“It is one way we can pay back these officials and employees who have been with us for decades. I am very thankful for your unconditional love for work and sacrifices for the agency,” sabi ni Ramirez.

“As we look back at the 30 years of the PSC and give a nod of appreciation to these leaders who charted the course of our agency at one point in time,” dagdag pa ng two-time PSC chairman.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with