^

PM Sports

Mika Reyes tumawid na sa SLR Lady Realtors

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Mika Reyes tumawid na sa SLR Lady Realtors
Mika Reyes

MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong taon na pagla-laro sa ilalim ng Petron Blaze Spikers, nagpasya ang Philippine national team mainstay na si Mika Reyes na mag-ober da bakod sa Sta. Lucia Lady Realtors para 2020 Philippine Superliga Grand Prix.

Kulang isang buwan bago ang opis-yal na pagbubukas ng import-laden na kumperensiyang ito, inanunsyo ni Reyes ang pasya niyang pagkalas sa Petron at pagtalon sa bagong Sta. Lucia.

“I realized that this is a perfect time for me to announce the major change in my career: I am no longer with Petron as I’ve decided to transfer to Sta. Lucia starting the PSL Grand Prix next month,” sabi ni Reyes.

Bagama’t hindi naging madaling desisyon ang kanyang pagkalas sa koponan na tatlong taon niya ring nakasama sa liga ay lakas-loob pa rin niyang itinuloy ito na para hamunin ang sarili sa bagong mundo.

Malaki rin ang pasasalamat ng two-time PSL Best Middle Blocker sa Petron na buong puso siyang tinanggap nang lumipat ito sa tropa mula sa una nitong naging pamilya sa liga na F2 Logistics Cargo Movers, kung saan nalasap nito ang unang kampeonato sa 2016 All-Filipino Conference.

“Being with Petron taught me a lot. I became stronger and bolder to step out of my comfort zone and soar to new heights, not just in volleyball, but life in general,” dagdag nito. “I would forever be grateful to the men and women who made my stay with Petron very memorable.”

Matatandaan na unang naglaro si Reyes sa ilalim ng Cargo Movers bago ito nagpasyang tumalon sa Petron kung saan isa siya sa mga naging instrumento sa pagkakadagit ng tropa sa korona ng 2018 at 2019 Grand Prix at 2018 All-Filipino.

Hindi rin alam ni Reyes kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa paglipat niya ng club team pero magkagayon man ay masaya pa rin ito dahil walang sawang suporta ng mga mahal niya sa buhay.

“So, with a heavy heart: Goodbye, Petron. And with a smile on my face: Hello, Sta. Lucia,” panapos nito.

vuukle comment

2020 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with