Manila, Bacoor asam ang Top 4
(Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Manila Stars at Bacoor Strikers ang pagtatapos sa top four ng kanilang mga dibisyon sa pagsagupa sa magkahiwalay na karibal sa elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season kagabi sa Strike Coliseum sa Bacoor City.

Bitbit ang 22-5 baraha, paborito ang Frontrow-backed Stars na manalo laban sa Mindoro Tamaraws sa kanilang pang-alas-4:15 ng hapong laban.

Sa alas-8:30 ng gabi ay haharapin naman ng Stri-kers (21-5) ang General Santos Warriors.

Samantala, sa ikalawang laro ay pipilitin naman ng Cebu Casino Ethyl Alcohol na mapalakas ang kanilang tsansa sa playoffs laban sa Nueva Ecija Rice Vanguards sa alas-6:30.

Muling aasahan ng Stars sina Aris Dionisio at Chris Bitoon para makalapit sa nangungunang San Juan Knights (23-3) sa North division.

Ito rin ang hangad ng Strikers (21-5) na gustong makadikit sa Davao Occidental Tigers (21-4) sa South division.

Inaasahang mahihirapan ang Cebuanos (11-13) sa pagsagupa sa Nueva Ecija Rice Vanguards (8-17).

Ang tatapos sa top four sa bawat dibisyon ay magkakaroon ng home court advantage pagdating sa playoffs.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with