Rowing officials bisita sa PSA Forum
(Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bibisita ang mga bagong opisyales ng Philippine Rowing Association sa pangunguna ng presidente nitong si Patrick ‘Pato’ Gregorio sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Amelie Hotel Manila.

Makakasama ni Gregorio si deputy secretary-ge-neral Magnum Membrere sa pagtalakay sa mga plano ng asosasyon sa nasabing public sports program na inihahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Ga-ming Corporation (PAGCOR).

Inimbitahan din si Philippine Sports Institute (PSI) national training director Marc Velasco na dumalo sa naturang pang alas-10 ng umagang sesyon para ilahad ang mga programa para sa 30th anniversary ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Enero 24.

Ang mga miyembro ng PSA ay inaanyayahang dumalo sa forum na livestreamed via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapapakinggan sa Radyo Pilipinas 2 sa ala-1 hanggang alas-2 ng hapon at sa alas-6:30 ng gabi.

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with