Reed Baclig top picK ng AMA Titans
Reed Baclig top picK ng AMA Titans
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinikwat ng AMA Online Education bilang sorpresang No. 1 pick si Reed Baclig habang nahulog sa 2-3 selection sina top prospects Jamie Malonzo at Jaydee Tungcab sa ginanap na 2020 PBA D-League Draft kahapon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Bahagi ng graasroots program ng Titans mula sa St. Augustine ang 17-an-yos na guwardiya kaya’t napili ng koponan upang manguna sa kanilang kampanya sa Aspirants’ Cup na sisiklab na sa Peb-rero 13 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Mapalad namang inabot ng Marinerong Pilipino sa second pick ang La Salle sensation na si Malonzo habang puma-ngatlo sa proceedings si Tungcab ng UP na pinili ng Karate Kid-CEU.

Kagagaling lang ni Malonzo sa magilas na kampanya sa UAAP Season 82 kung saan nagre-histro siya ng 14.6 puntos at 9.2 rebounds para sa Green Archers habang isa naman sa best two-way players ng Maroons si Tungcab.

Parehong bahagi ng Gilas Pilipinas 24-man pool sina Malonzo at Tungcab para sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier sa susunod na buwan kontra sa Thailand at Indonesia.

Bukod kay Baclig, nakuha rin ng AMA sina Christian Camay, John Cris Yambao at Earl Bryan Ceniza.

Big-winner naman ang Marinero na sorpresang napili ang iba pang top prospects na sina Joshua Torralba at Jollo Go ng La Salle, James Spencer ng UP at Darrell Menina ng UC.

Solido rin ang naging selection ng Karate Kid – CEU na nakuha sina John Apacible ng UE, J-Boy Gobat David Murrell ng UP gayundin si Jerie Pi-ngoy ng Adamson.

Hangad ng Marinero at CEU ang higanti nga-yong taon matapos ang runner-up finishes sa Aspirants’ Cup at Foundation Cup, ayon sa pagkakasunod noong 2019.

Isang manlalaro lang ang kinuha ng Wangs-Letran sa katauhan ni Jayson Bondoc dahil ipaparada nito ang solidong koponan mula sa NCAA Season 95 championship nito.

Ang iba pang school-based teams ay magsasalang din ng intact rosters tulad ng EcoOil-DLSU, Mapua, TIP, Enderun Colleges, Diliman College, San Sebastian at UAAP runner-up na UST-Builders Warehouse.

Kabuuang 41 manlalaro matapos ang 20 rounds ang nakuha mula sa 137 na aplikante nga-yong D-League draft.

Mismong ang dating NU juniors at Letran coach Jeff Napa ang pumili ng mga rookies bilang pinakabagong mentor ng CEU Scorpions. Pinalitan niya si Derrick Pumaren na bumalik bilang chief tactician ng La Salle sa UAAP.

PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with