CSB Lady Blazers solo na sa liderato
Chris Co (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng College of Saint Benilde ang Colegio de San Juan de Letran sa pamamagitan ng 25-20, 25-18, 25-15 demolisyon upang masolo ang liderato sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng atake ang inilatag ng Lady Blazers sa pangunguna ni Chelsea Umali na nagtala ng pitong puntos para manduhan ang kanilang tropa sa pagsikwat ng ikatlong sunod na panalo.

“Every game ang focus namin. Dapat parating hundred percent kami. Sa team namin, may Team 1 at Team 2 kami na ginagamit. Gusto namin na lahat nagko-contribute talaga,” ani Benilde assistant coach Jay Chua.

Naiwan sa No. 2 spot ang nagdedepensang Arellano University hawak ang 2-0 baraha.

Nakapagtala ng puntos ang lahat ng manlalaro ng Benilde maliban kay Jeanelle Tumang at dalawang libero.

Nakapag-ambag ng tig-aanim na puntos sina Michelle Gamit, Jade Gentapa at Klarisa Abriam habang may tigli-lima naman sina Mycah Go, Gayle Pascual, Marites Pablo at Kaila Miranda.

Dominado ng Benilde ang attack line matapos magbaon ng 39 hits kumpara sa 28 ng Letran.

Lamang din ang Lady Blazers sa service area (8-3) at blocking department (5-3).

Nanguna para sa Lady Knights si Chamberlaine Cunada na pumalo ng 15 puntos ngunit hindi ito sapat para mahulog ang Intramuros-based squad sa 1-1 baraha.

Nalimitahan sina rookies Julienne Castro at Dane Ohya sa pinagsamang siyam na puntos matapos ang kani-kanyang double-digit output sa unang laro ng Letran.

Nanaig naman ang Mapua University sa Emilio Aguinaldo College, 21-25, 25-23, 25-23, 25-22, upang sumampa sa win column.

Magkakasalo ang Letran, Mapua University of Perpetual Help System Dalta at Jose Rizal University sa ikaapat na puwesto hawak ang magkakatulad na 1-1 marka.

Sa men’s division, naduplika ng Benilde ang selebrasyon matapos patumbahin ang Letran, 25-21, 25-16, 25-22, sa likod ng impresibong laro ni Vince Abrot na kumana ng 12 attacks, dalawang aces at isang block.

Gumanda ang rekord ng Blazers sa 2-1 habang nahulog sa 0-2 ang Knights.

NCAA VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with