^

PM Sports

Maraming pinasaya ang Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa
Maraming pinasaya ang Ginebra

MANILA, Philippines — Kahit papaano ay makakangiti na si San Miguel Corp. president at Chief Executive Officer (CEO) Ramon S. Ang kagaya ng mga taga-Batangas.

Inialay nina head coach Tim Cone at San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua ang tagumpay ng Barangay Ginebra sa 2019 PBA Governor’s Cup kay Ang habang ibinigay naman ito ni point guard LA Tenorio sa kanyang mga kapwa Batangueno.

“Boss RSA, he put this team together. I just get to coach them,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion coach na si Cone kay Ang, ang anak na si Jomar ay kasalukuyang nasa ospital. “But he deserves all the credit and he knows everything that’s going on.”

Nakamit din ng 62-anyos na American mentor ang kanyang ika-22 titulo, ang 13 dito ay nauna niyang napanalunan habang nasa Alaska.

Tinapos ng Gin Kings sa 4-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng karibal na Meralco Bolts matapos kunin ang Game Five, 105-93 noong Biyernes ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Nauna nang nagsalita si Chua sa trophy presentation ng Ginebra.

“Itong championship na ito ay para kay boss RSA at para sa pamilya niya. Mahal na mahal ka ng buong Ginebra team boss,” wika ni Chua, ipinagdiwang ang kanyang ika-52 kaarawan kasabay ng pagkopo ng Ginebra sa kanilang pang-12 korona.

Bago pa ang nasabing panalo ay inialay na ni Tenorio, kasama ang mga Gin Kings, ang laro para sa mga taga-Batangas na nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano.

“Walang ikakasaya ang mga fans natin sa Batangas kung hindi ang panalong ito, at saka ‘yung championship,” sabi ng 35-anyos na tubong Nasugbu, Batangas.

Hinirang naman si 6-foot-8 flying forward Japeth Aguilar bilang Finals MVP mula sa kanyang hinakot na 25 points, 8 rebounds at 4 blocks.

“For me, mas importante ‘yung goal, which is the championship. Lahat kami may kanya-kanyang part sa kampeonato na ito. Ginawa ko lang ‘yung part ko,” sabi ni Aguilar, naglista ng mga averages na 17.3 points, 7.0 rebounds at 3.4 blocks sa kanilang title series ng Bolts.

Kung ito ang pang-limang PBA title ni Aguilar, nakamit naman ni Stanley Pringle ang kanyang kauna-unahang korona sapul nang hirangin ng NorthPort bilang No. 1 overall pick noong 2014.

“It’s really a blessing,” wika ng 32-anyos na si Pringle, nakuha ng Gin Kings mula sa Batang Pier kapalit nina Jervy Cruz, Sol Mercado at Kevin Ferrer. “I’m ready for another one.”

Matapos ang pag-angkin sa kampeonato ng 2019 PBA Governor’s Cup ay paghahandaan naman ng mga Gin Kings ang 2020 PBA Philippine Cup na magsisimula sa Marso 1.

Ang San Miguel Beermen ni coach Leo Austria ang nagdodomina sa nasabing torneo sa loob ng limang taon.

“Well, we’re certainly going to go for it. You know, we feel we have the tools,” ani Cone.

 

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with