^

PM Sports

PBA nag-donate ng P1 milyon sa Batangas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
PBA nag-donate ng P1 milyon sa Batangas

MANILA, Philippines — Nag-abot na rin ng kamay ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa mga biktima ng patuloy na krisis sa Batangas kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Inanunsyo ni Commissioner Willie Marcial kahapon na magbibigay ang pro-league ng P1 mil-yon para sa mga residente ng lahat ng naapektuhang lugar partikular na sa probinsya ng Batangas.

Nalikom ng PBA ang pondo mula sa PBA Board of Governors ng 12 koponan.

Magbibigay din ng daan-daang pares ng tsinelas ang Blackwater sa mga residente, ayon kay team owner Dioceldo Sy.

Malapit sa PBA lalo na kay Marcial ang Batangas lalo’t hometown niya ang Batangas City.

Madalas ding ganapin ang PBA games sa Batangas City Sports Center at ginanap ang PBA All Star Luzon Leg noong 2018.

Ang Batangas City Sports Center ang nagsi-silbi ngayong isa sa evacua-tion centers ng probinsya.

Ayon sa mga ulat ay halos 500,000 residente na ang naapektuhan simula nang sumabog ang Taal noong Linggo.

Hanggang sa ngayon ay nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano na nagbabala ng posibleng pagsabog pa rin nito sa mga susunod na oras o araw.

Ipinag-utos na ng mga awtoridad ang forced eva-cuation sa 14-kilometer radius ng bulkan habang hindi pa ligtas ang lugar ayon sa PHIVOLCS.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with