Malonzo, Tungcab patok sa PBA D-League Draft
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Babanderahan ng UAAP standouts na sina Jamie Malonzo ng La Salle at Jaydee Tungcab ng UP ang mga aspirants ng 2020 PBA Developmental League Rookie Draft sa Lunes.

Ayon sa listahan ng inilabas ng liga ay kabuuang 137 ang aspirants ngayon na naghaha-ngad na masimulan ang kanilang paglalakbay patungo sa PBA dream.

Gaganapin ang PBA D-League Draft sa league office sa Libis, Quezon City habang sa Pebrero 13 naman nakatakda ang opening ng unang conference na Aspirants’ Cup na paglalabanan ng 12 koponan.

Kagagaling lang ng 6’6 Fil-Am na si Malon-zo sa maikli subalit makulay na UAAP career para sa Green Archers bilang one-and-done player.

Nagrehistro siya ng 14. 6 puntos at 9.2 rebounds para sa La Salle na nadala niya sa magandang 7-7- kartada bagama’t kinapos na makapasok sa UAAP Season 82 Final Four.

Bahagi ngayon si Malonzo ng kargadong Mighty Sports-Philippines para sa 31st Dubai International Basketball Tournament mula Enero 23 hanggang Pebrero 1.

Samantala, nakagawa naman ng pangalan hindi lang sa UP kundi sa buong collegiate scene si Jaydee Tungcab bilang isa sa pinakamagaling na two-way player.

Isa ang 6’3 na si Tungcab sa dahilan ng pag-angat ng Maroons sa mga nakaraang taon tampok na ang kanilang runner-up finish sa Ateneo noong Season 81.

Ang kanyang galing sa depensa ay napansin din ng national team nang mapasali sa 24-man pool ng Gilas Pilipinas para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Sasamahan sila sa draft nina Jerie Pingoy ng Adamson, Jollo Go ng La Salle, Cebu pride na sina Darrel Menina ng USC at Jaybie Mantilla ng UP gayundin sina John Apacible ng La Salle at Judel Fuentes ng CEU.

Swak din ang ibang Fil-Foreign players na sina Joshu Torralba, James Spencer, JJ Espanola at David Murrell.

2020 PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with