Bataan, Pasay lumakas ang tsansa sa playoffs
(Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

Balanga City – Naungusan ng Bataan-Camaya Coast ang ilang beses na atake ng Bicol-LCC Stores sa fourth period para kunin ang 76-72 panalo at palakasin ang tsansa sa top four finish sa elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Miyerkules dito sa Bataan People’s Center.

Nagsalpak ng mga split charities sina Achie Ingo at Ryan Batino para igiya ang Risers sa ikatlong sunod na ratsada matapos makadikit ang Volcanoes sa 72-74 sa huling 26 segundo.

Pinaganda ng Bataan ang kanilang baraha sa 17-9 sa North division.

Tumapos si Batino na may 18 points at 13 rebounds para ilapit ang Camaya Coast-backed Risers sa fourth-ranked Bulacan Kuyas (17-8).

Nagdagdag sina Chito Jaime, James Castro at Byron Villarias ng tig-10 points para sa Risers.

Nakahugot naman ang Volcanoes (13-13), sinusuportahan ng LCC Malls, ng 16 points kay Hafer Mondragon at may 14 at 12 markers sina Ronjay Buenafe at Alwyn Alday, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pinatibay naman ng Pasay Voyagers ang kanilang pag-asa sa playoffs nang kunin ang 61-50 panalo laban sa Bacolod Master’s Sardines.

Humataw si Jaypee Belencion ng 15 points tampok ang 3-of-3 shooting sa three-point zone para sa 14-12 marka ng Voyagers, nakakuha ng 13 at tig-11 markers kina Ronnel Jay Lastimosa at Jason Opiso at Elmar Moradas, ayon sa pagkakasunod.

Ipinagpag naman ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Quezon City Capitals, 92-74, tampok ang 19 points at 11 boards ni Justin Arana.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with