Pinas No. 11 sa world women’s softball
Chris Co (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maganda ang bungad ng taong 2020 para sa Philippine Blu Girls matapos umangat sa No. 11 sa world ranking ng women’s softball.

Sa inilabas na bagong listahan ng World Baseball Softball Confederation, nakalikom ang Blu Girls ng 2,110 puntos para umangat ng dalawang hakbang mula sa kanilang dating ika-13 puwesto sa mundo.

Nasa ikaapat ang Pi-lipinas sa Asya sa likod ng No. 2 Japan (4,723 points), No. 6 Chinese-Taipei (3,501) at No. 7 China (3,293).

Nangunguna ang Amerika na may 5,104 puntos habang ikatlo naman ang Canada (4,403), ikaapat ang Puerto Rico (3,824) at ikaanim ang Mexico (3,752).

Pasok din sa Top 12 ang No. 8 Australia (2,875), No. 9 Netherlands (2,812), No. 10 Italy (2, 745) at No. 12 Czech Republic (2,106).

Sariwa pa ang Blu Girls sa matamis na pagkopo ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap dito sa Pinas noong Disyembre.

Ito ang ika-10 gintong medalya ng Blu Girls sa SEA Games.

Nakakuha ito ng 30 karagdagang puntos sa naturang biennial meet.

Maliban sa SEA Games, lumahok din ang Blu Girls sa 2019 Asian Women’s Softball Championship, 2019 USA Softball International Cup at Tokyo 2020 Olympics Asia/Oceania Qualifier.

SOFTBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with