^

PM Sports

Classic import rivalry

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ano man ang maging resulta ng 2019-20 PBA Governors Cup finale, malalim nang tatatak sa isipan ng PBA fans ang Justin Brownlee-Allen Durham rivalry.

Pareho nang lumilok ng kanilang lugar sa PBA history ang magkaribal na import.

Dahil sa kanyang ikatlong Best Import award, solo na si Durham sa likuran ni Bobby Parks (seven-time winner) sa listahan ng pinakamaraming Best Import citations.

Naghahabol naman si Brownlee kay Sean Chambers (six titles) sa listahan ng mga imports na pinakamaraming napanalunan na PBA championships.

Kung tuluyang ibubulsa ng Ginebra ang korona, itataas ni Brownlee sa 4-of-4 ang kanyang perfect record sa PBA finals.

Ang mga ito ay ayon sa paghalukay sa PBA records ni PBA stats chief Fidel Mangonon.

Ayon din sa review ni katotong Fidel, pinakamaraming championships si Chambers pero nakatikim siya ng talo sa finals, hindi gaya ni Brownlee.

Kasama sa mga imports na may at least three PBA championships sina Parks, Norman Black, Cyrus Mann, Andy Fields, Snake Jones at Bruce Sky King.

***

Pero mas malaking tanong ay kung mapipigil pa ba ng Meralco ang Ginebra upang maipuwersa ang Game Six na nakatakdang ilaro sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Disappointed si Meralco coach Norman Black sa kanilang ipinakita noong Game Four na tinawag niyang “embarrassment.”

Kung hindi maiaangat nina Baser Amer, Chris Newsome at mga kasama ang kanilang laro sa harap ng paingkang-ingkang na kalagayan ni Raymond Almazan ay malamang na tapos na ang serye sa Game Five.

vuukle comment

PBA GOVERNORS CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with