Santos nag-ensayo na sa San Miguel
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbalik na ang beteranong si Arwind Santos sa training camp ng San Miguel Beer kahapon sa Acropolis Gym sa Mandaluyong.

Dalawang buwang nawala sa kampo ng Beermen ang 38-anyos na manlalaro bunsod ng suspensyong natamo niya kasama sina Ronald Tubid at Kelly Nabong.

Noong nakaraang Nobyembre sa kasagsagan ng kampanya ng SMB sa Governors’ Cup ay nasali ang tatlo sa away sa kanilang practice na nagdulot sa kanilang indefinite suspension.

Kasama rin sa natu-rang sigalot ang import na si Dez Wells na sinibak ng Beermen buhat noon.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula sa koponan, mukhang simbolo na ang pagbabalik ni Santos sa ensayo ng pagtataas ng kanyang suspension.

Nauna nang trinade ng SMB noong nakaraang linggo si Nabong patungong Northport kapalit ang young big man na si Russel Escoto.

Ang isa pang kasaling manlalaro na si Ronald Tubid, sa kabilang banda, ay wala pa rin sa training camp ng Beermen.

Kagagaling lang ng SMB sa masalimuot na Governors’ Cup campaign kung saan nasa-yang nila ang pagkakataong makumpleto ang ikalawa nilang grandslam simula 1989.

Bunsod kasi ng natu-rang problema, nagkagulo ang ratsada ng Beermen nang sibakin ito ng Ginebra sa quarterfinals pa lang ng season-ending conference.

Ngayong naipagpag na ng koponan ang mga pangyayaring iyon, handa na ulit silang sumalang sa laban sa maagang pagbabalik ng kanilang ensayo halos dalawang buwan pa bago ang pagsisimula ng 2020 season.

Magbubukas ang 45th PBA Season sa Marso 1 sa Smart-Araneta Coliseum.

 

ARWIND SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with