PSC susuportahan ang athletics para sa 2020 Tokyo Olympics
(Pang-masa) - January 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kagaya ng kanilang pa­ngako, solidong suporta ang ibibigay ng Philippine Sports Commission sa mga national athletes na naghahangad na ma­ka­kuha ng tiket para sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kamakalawa ay naki­pagpulong ang PSC kay Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), Inc. pre­si­dent, Philip Ella Juico sa PhilSports Complex para sa kanilang plano.

Natalakay ang pagsu­porta ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Olympic programs ni­na pole vaulters EJ Obiena at Natalie Uy, sprinter-hurdler Eric Cray, runner Kristina Knott, shot putter Willie Morrison at ma­rathoner Christine Hal­lasgo.

“We have to capita­lize on the success of EJ Obiena and other track and field athletes at the 30th SEA Games, and give them full support on their Olympic qualifications” wika ni Ramirez.

Ang 24-anyos na si Obiena ang may pinakamalakas na tsansang ma­kapag-uwi ng Olympic medal dahil sa kanyang pa­giging No. 14 sa buong mundo.

Siya ang unang qualifier ng bansa para sa 32nd Olympiad matapos makuha ang qualifying standard na 5.81 meters sa isang torneo sa Chiara, Italy noong Setyembre.

Kasunod nito ang pag-angkin ni Obiena sa gold medal ng nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Sa 2019 SEA Games ay kumolekta ang PATA­FA  ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze me­dals.

“Our goal is to sustain this momentum in the Olympics and 2021 in Vietnam. We thank the PSC for its support for our athletes,” ani Juico.

2020 TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with