Phl Football may potensyal-Schrock
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - January 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi man pinalad na makatungtong sa inaasam na podium finish ang U-22 team ng Philippine Azkals sa nagdaang 30th Southeast Asian (SEA) Games, nakikita pa rin ni Azkals stalwart Stephan Schrock na maraming potensyal na manlalaro ang bansa.

Ang Filipino-German mid-fielder ang bumandera sa kampanya ng Pinas sa men’s football event noong biennial meet kung saan nagtala sila ng dalawang panalo kontra sa Malaysia at Timor Leste at draw results kontra sa Cambodia.

Sa pagbisita ni Schrock sa Philippine Sportswri-ters Association (PSA) Forum kamakalawa, kasama ang kanyang club team na Ceres-Negros, sinabi nito na maraming talentadong manlalaro ang bansa pero kulang aniya ito sa puso.

“The Philippines has a lot of talented players, a lot of players who can break full on that in the forthco-ming years while we all need or we are lack in heart during the whole year,” ani Schrock.

Sinubukan din ni Schrock na balikan ang naging kampanya ng tropa sa nagdaang sporting event, dahil target nilang makalusot sa finale nito at sa tingin niya ang mga miyembro ng Young Azkals ay nagawang makapag-adjust at tumindig na matatag sa kasagsagan ng kumpetisyon.

Ngayon, focus si Schrock at kanyang club team na Ceres-Negros FC sa pagsabak nito sa preliminaries ng Asian Football Confederation (AFC) Champions Leagues, bilang kinatawan ng bansa, sa Enero 14.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with