Zamboanga, Team Pacquiao nalo sa Canada
(Pang-masa) - December 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binugbog nina Alvin Pasaol at ng  Zamboanga Family’s Brand Sardines ang Imus-Luxxe Slim habang pinasaya ni Senator Manny Pacquiao ang mga manonood sa kanyang triple double performance sa 2019 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup Canada Invasion sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary, Alberta, Canada.

Pinahirapan ng Zamboanga sina Gerald Anderson at ang Bandera tungo sa 88-72 para manatili sa sixth place sa Southern Division tangan ang 17-10 win-loss card.

Tumapos si Pasaol ng 21 points at six rebounds para pangunahan ang Zamboanga sa pagtuhog ng ikaapat na sunod na panalo.

Tinapos nina Raffy Reyes at Reggie Morido kasama si Pasaol, ang first half sa 7-0 run upang lumayo sa 46-31. Ipinagpatuloy ng Chooks-to-Go 3x3 star na si Pasaol ang pananalasa sa pagkamada ng lima sa 8-0 run para sa pinakamalaking kalamangan ng Zamboanga sa 54-31, patungo sa huling 9:10 minuto ng third.

Nagpasikat naman si Pacquiao sa pagkamada ng 31 points, 11 assists at 10 rebounds nang igupo ng Team Pacquiao ang Casem Calgary, 116-99 sa MPBL exhibition match.

CANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with