Luka Doncic
Doncic nagbida sa Mavericks
(Pang-masa) - December 28, 2019 - 12:00am

DALLAS -- Parang hindi nagdaan sa isang injury si Luka Doncic.

Tumapos si Doncic na may 24 points, 10 rebounds at 8 assists para banderahan ang Mavericks sa 102-98 pagpapabagsak sa San Antonio Spurs.

Huling nakita sa aksyon si Doncic, may NBA-leading na walong triple doubles, noong Disyembre 14 laban sa Miami Heat kung saan niya natamo ang sprained right ankle.

Nakadikit ang San Antonio sa 85-102 matapos humataw ng 13 points, ngunit naimintis naman ni Derrick White ang kanyang three-point attempt sa huling anim na segundo.

Inangkin ni Doncic ang rebound para selyuhan ang panalo ng Mavericks laban sa Spurs.

Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 17 points at may tig-13 markers sina Kristaps Porzingis at Dorian Finney-Smith para sa Dallas.

Sa New York, nagpasabog si Julius Randle ng 33 points para pamunuan ang Knicks sa 94-82 paggiba sa Brooklyn Nets.

Kumolekta naman si Marcus Morris ng 22 points at 8 rebounds para sa New York, winakasan ang three-game losing skid, habang may 13 markers si Elfrid Payton.

Sa Detroit, nagposte si Blake Griffin ng 14 points at season-high na 11 rebounds para ihatid ang Pistons sa 132-102 pagdurog sa Washington Wizards.

Hindi naglaro para sa Detroit sina Reggie Jackson (back) at Luke Kennard (knee), habang may mga injury naman sina Griffin, Bruce Brown at Derrick Rose.

May mga injury din sina John Wall, Davis Bertans, Isaiah Thomas, Thomas Bryant at Rui Hachimura para sa Washington.

Naglista si Christian Wood ng 22 points at may 18 markers ni Todd Frazier para sa Pistons, may walong players na naglista ng double figures.

Pinangunahan ni Anzejs Pasecniks ang Wizards mula sa kanyang career-high na 17 points kasunod ang 15 markers ni Bradley Beal.

LUKA DONCIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with