New York isinunod ni Antetokounmpo
(Pang-masa) - December 23, 2019 - 12:00am

NEW YORK — Matapos gibain ang Los Angeles Lakers ay isinunod naman ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks ang Knicks.

Nagposte si Antetokounmpo ng 22 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong triple-double sa season at dinispatsa ng Milwaukee ang New York, 123-102.

Isinalpak ng Bucks (26-4) ang una nilang anim na three-pointers para kaagad ibaon ang Knicks sa pamamagitan ng kanilang 29-point lead.

Nakolekta ni Antetokounmpo ang kanyang triple-double sa gitna ng third quarter matapos maglaro ng 23 minuto ng nasabing yugto.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 23 points kasunod ang 17 markers ni Kyle Korver para sa Milwaukee na naglaro nang wala sina starters Wesley Matthews at Eric Bledsoe dahil sa kanilang mga right leg injuries.

Pinamunuan ni Julius Randle ang New York, nalasap ang ikalawang sunod na kabiguan sa kanyang 20 points at 8 rebounds.

Sa Phoenix, nagpasabog si James Harden ng 47 points at nag-ambag si Russell Westbrook ng 30 markers at 10 assists para pamunuan ang 139-125 paglampaso ng Houston Rockets sa Suns.

Ito ang pang-10 panalo ng Houston sa huli nilang 13 laban para itaas ang kanilang marka sa 20-9.

Nalasap ng Phoenix ang kanilang ikaanim na dikit na kamalasan para mahulog sa 11-18.

Binanderahan ni Kelly Oubre Jr. ang Suns sa kanyang 26 points habang may 19 markers si guard Devin Booker had 19.

Sa San Antonio, nagsumite si Kawhi Leonard ng 26 points, 9 assists at 7 rebounds para ihatid ang Los Angeles Clippers sa 134-109 pagpapatumba sa Spurs.

May anim na players ang Los Angeles na tumapos sa double figures, kasama ang 21 points ni Montrezl Harrell at 20 markers ni Lou Williams.

Humataw si DeMar DeRozan ng 24 points para banderahan ang San Antonio.

NEW YORK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with