Danny Garcia hinamon si Pacquiao sa isang mega bout
Chris Co (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinisigaw na rin ni World Boxing Council (WBC) silver welterweight champion Danny Garcia ang pangalan ni World Boxing Association (WBA) welterweight titlist Manny Pacquiao pa­ra sa isang mega bout sa susunod na taon.

Kabilang ang panga­lan ni Garcia sa mga pa­­ngunahing kandidato pa­ra sa title defense ng eight-division world tit­list na si Pacquiao.

Ngunit wala pang por­mal na anunsyo ang kam­po ni Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban nito.

Kaya naman mismong si Garcia na ng su­misigaw para matuloy ang laban nila.

“I know it’s the se­cond quarter. They’re sa­ying they want to fight me. Manny keeps saying it. So when are you going to send over the contract? But when it comes down to it, he keeps pushing it back and wants to fight in the summertime now,” wika ni Garcia.

Bilib si Garcia kay Pac­quiao na itinuturing ni­tong legend sa mundo ng boksing.

Hanga siya sa husay ni Pacquiao partikular na sa huling laban nito kung saan lumutang aniya ang tikas ng Pinoy champion laban kay Keith Thurman.

Umaasa si Garcia na parehong intensidad ang makita kay Pacquiao sa­kaling matuloy ang ka­nilang paghaharap upang mabigyan ng ma­gan­dang laban ang mga manonood.

“He’s a legend. I think he gave it everything he had. I really think it’s one of those fights where he thought, ‘this might be my last fight, so I got to give it everything I have’. I don’t know if he can have that same intensity the next time around because he gave so much, but we’ll see,” ani Garcia.

Ngunit bago ituon ang atensyon kay Pacquiao ay nakatakda munang ha­rapin ni Garcia si Ivan Red­kach ng Ukraine sa Enero 25, 2020 sa Barclays Center sa New York City.

“My mind is built for whatever. I’m already men­tally set for that. You know, we’re just taking it one day at a time. Right now we’re just worried about January 25th,” wi­ka ni Garcia.

Aminado si Garcia na isang tune-up game ang pagsagupa niya kay Redkach bilang paghahanda sa posibleng pagharap sa pinakamalaking laban sa kaniyang boxing career - kontra kay Pacquiao.

“Pacman said April. He said Danny Garcia or Mikey Garcia, but I can’t worry about that right now. I have to stay fo­cused on this fight right here,” pagtatapos ni Garcia.

DANNY GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with