^

Brownlee gustong mabawi ang korona

Russell Cadayona (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa likod ni resident import Justin Brownlee ay da­lawang sunod na taon pinagharian ng Barangay Gi­nebra ang PBA Governor’s Cup.

Ngunit noong nakaraang taon ay sinibak ng Magnolia ang Gin Kings sa kanilang semifinals series patungo sa pag-angkin ng Hotshots sa korona.

Ang pagbawi sa titulo ng season-ending confe­rence ang puntirya ni Brownlee.

“Super motivated. I wish we would’ve had that three-peat last year but unfortunately, we came up short,” wika ni Brownlee.

Noong 2018 ay inihatid ng American reinforcement ang Ginebra sa korona ng Commissioner’s Cup.

Kamakalawa ay isinara ng Gin Kings ang ka­nilang best-of-five semifinals series nila ng NorthPort Batang Pier sa 3-1 papasok sa PBA Finals.

Sa nasabing panalo ay kumolekta ang 31-anyos na tubong Georgia, USA ng 36 points, 19 rebounds, 8 assists, 3 steals at 2 blocks.

Ayon kay Brownlee, hindi dapat makuntento ang Ginebra sa pag-entra lamang sa best-of-seven championship series.

“It feels good to be in the Finals, but this point we’re not satisfied. We wanna feel that greatest fee­ling,” ani Brownlee.

BROWNLEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with