^

PM Sports

Maningning na 2019 sa Philippine sports

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kahit na nadapa sa homestretch ng 2019 Women’s World 9-Ball Championship si Rubilen Amit, maningning pa rin ang Philippine sports sa taong 2019.

Naghabol si Amit na makasama sa mga Phl athletes na naging world champs sa taong ito pero hindi nakuha ang kanyang semifinal match kontra kay Jasmin Ouschan sa world meet sa Hainan, China.

Ganon pa man, hindi mababawasan ang ningning ng tagumpay ng Phl sports sa pagtatapos ng taon – sumirit ng matayog dahil sa mga tagumpay ng Filipino bets sa world stage at lalo pang naging maalindog dahil sa tagumpay ng ating SEA Games hosting/campaign.

Patuloy na nanalasa si Manny Pacquiao sa pro boxing, at sa pagitan ng isang araw ay parehong nag-kampeon sa kanilang sariling sports discipline si gymnast Caloy Yulo at female boxer Nesthy Petecio.

Nagpaalab din ng init ng Philippine sports ang podium finishes -- sa international stage rin – nina weightlifter Hidilyn Diaz at pole vaulter EJ Obiena.

Masalimuot sa pagsisimula ng taon ang kalaga-yan ng Philippine Olympic Committee dahil sa ba-ngayan ng mga leaders. Pero natapos na mapayapa nang talunin ni Ricky Vargas si Peping Cojuangco sa eleksyon at pagkatapos ay naipasa ang presidency mula kay Vargas papunta kay Bambol Tolentino.

Exciting, thrilling ang mga local competitions.

Humatak ang San Miguel Beer ng Philippine Cup five-peat at sinungkit din ang Commissioner’s Cup pero naunsyami ang hangad na grand slam sa maagang pagkakadapa sa Governors Cup playoffs.

Nadagit ng Ateneo Eagles ang sweet sweep para sa ikatlong sunod na UAAP championship samantalang nagkaroon ng grand night ang Letran Knights nang i-upset ang San Beda Lions sa kanilang NCAA title duel.

Nanatili naman unbeaten at perfect ang pahaba at pahabang title reign ng National U sa UAAP women’s basketball.  At karamihan sa kanilang key players ay nanguna sa pagsungkit ng kampeonato sa 5-on-5 at 3x3 events sa 2019 SEA Games.

Patuloy na sinubaybayan ang volleyball – PVL at PSL. Pero sa bandang huli, ang mga stars ng Spikers Turf (men’s league) ang nagpasiklab sa kanilang breakthrough silver-medal finish sa SEA Games.

Ihahatid ko ang iba pang highlight ng 2019 Philippine sports sa susunod na column.

 

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with