^
Dallas inawat ang milwaukee

Dallas inawat ang milwaukee

(Pang-masa) - December 18, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE -- Tapos na ang 18-game winning streak ng Bucks.

Nag-ambag sina guard Seth Curry at big man Kristaps Porzingis ng tig-26 points para tulungan ang Dallas Mavericks sa 120-116 panalo bagama’t hindi naglaro si star guard Luka Doncic.

Binanderahan ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 48 points at 14 rebounds para sa kanilang unang ka­biguan matapos malasap ang 100-103 pagka­talo sa Utah Jazz noong Nob­yembre  8.

Ang nasabing winning streak ng Milwaukee ang pinakamahaba ma­tapos ang franchise-record na 20-game winning run ng 1970-71 cham­pionship team na nagtampok kina Kareem Abdul-Jabbar, dating ki­lalang Lew Alcindor at Oscar Robertson.

Hindi naman naglaro si Doncic para sa Mave-ricks matapos magkaroon ng sprained right ankle kagaya ni injured point guard Eric Bledsoe sa pa­nig ng Bucks.

Nakadikit ang Milwaukee sa 67-69 agwat sa pag-upo ni Anteto-kounmpo sa bench sa hu­ling 6:32 minuto ng third quarter bago inagaw ng Dallas ang 75-69 ka­lamangan patungo sa 80-69 bentahe papasok sa fourth period.

Sa Phoenix, tumipa si Damian Lillard ng 27 points kasama rito ang krusyal na three-point play sa huling 26 segundo ng laro para ihatid ang Portland Trail Blazers sa 111-110 panalo.

Bumangon ang Portland buhat sa 16-point de­ficit sa first half para res­bakan ang Phoenix.

Binanderahan ni sco­ring guard CJ Mc­Collum ang Blazers sa kanyang 30 points.

Pinamunuan ni Kelly Oubre Jr. ang Suns mula sa kanyang 24 points kasunod ang tig-17 markers nina Dario Saric at Frank Kaminsky III.

DALLAS MAVERICKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with