Biado, 3 pa umusad
Biado
Biado, 3 pa umusad
Chris Co (Pang-masa) - December 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matayog pa ang lipad ng bandila ng Pilipinas matapos umusad ang apat na Pinoy cue masters sa second round ng knockout stage sa prestihiyosong 2019 Men’s World 9-Ball Championship kahapon sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Nagtala ng magkakaibang panalo sina 2017 World 9-Ball champion Carlo Biado, Filipino-Canadian Alex Pagulayan, Johann Chua at Jeffrey Ignacio para makasiguro ng tiket sa Last 32.

Kinailangan ni Biado na ilabas ang lahat ng kanyang naitatagong galing sa huling sandali ng laro para itakas ang pahirapang 11-10 panalo laban kay Qatari veteran Bashar Hussein.

Inilampaso naman ni Pagulayan si Karol Sko-werski ng Poland sa pamamagitan ng 11-3 demolisyon habang nanaig si Chua kay Enrique Rojas ng Chiles, 11-5 at namayani si Ignacio kay Stephen Holem ng Canada, 11-6.

Makakatipan ni Biado sa second round si Billy Thorpe ng Amerika na nagtala ng 11-6 panalo kay Kong Dejing habang sasagupain ni Pagulayan si Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei na umiskor ng 11-9 panalo kay Masato Yoshioka ng Japan.

Lalarga si Chua kontra kay Naoyuki Oi ng Japan at haharapin ni Ignacio si Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei.

Sa 2019 Women’s World 9-Ball Championship, nagtala ng unang panalo si dating world champion Rubilen Amit para makalapit sa inaasam na tiket sa main draw kahapon sa Jinghai International Holiday Hotel & Resort sa Sanya, China.

Ginulpi ni Amit si Monika Margeta ng Sweden sa iskor na 7-1 para makuha ang 1-0 rekord sa Group E.

Kailangan na lamang ni Amit na manalo kay Ewa Bak ng Poland para makahirit ng tiket sa knockout stage.

Wagi rin si Floriza Andal nang sorpresahin nito si world No. 45 Tina Vogelmann ng Germany, 7-2, sa Group B.

Gaya ni Amit, isang panalo na lang ang kaila-ngan ni Andal para makuha ang puwesto sa main draw. Haharapin ni Andal si No. 8 Jasmin Ouschan ng Austria. Nakatakda ring sumalang sina world No. 25 Chezka Centeno at Iris Ranola.

CARLO BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with