^

PM Sports

TNT katropa malakas ang signal laban sa Meralco

Russell Cadayona - Pang-masa
TNT katropa malakas ang signal laban sa Meralco
Iniwasan ni TNT Katropa import KJ McDaniels ang depensa ni Meralco reinforcement Allen Durham.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naging tinik sa lala­mu­nan ng Meralco sina im­port KJ McDaniels at point guard Jayson Castro ng TNT Ka­tropa.

Humataw si McDa­niels ng 38 points at nag­dagdag si Castro ng 17 mar­kers para tulu­ngan ang Tropang Texters sa 103-94 pagbugbog sa Bolts sa Game One ng ka­­­nilang semifinals series para sa 2019 PBA Gover­nor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“During the break we worked hard sa practice, kaya maganda ang resul­ta” sabi ni Castro.

Mula sa six-point lead sa halftime ay humataw ang TNT Katropa sa third period para ilista ang 69-54 abante laban sa Me­ral­co ga­ling sa basket ni forward Troy Rosario.

Ang 3-point play ni McDaniels ang nag-akay sa Tropang Texters sa 87-65 bentahe sa 8:09 mi­­nuto ng final canto na na­pababa ng Bolts sa 85-93 sa huling 3:24 minuto.

May tsansa ang TNT Katropa na makalapit sa PBA Finals kung muling mananalo sa Game Two kontra sa Meralco bukas.

Samantala, pupuntir­ya­hin naman ng NorthPort ang paglapit sa ka­ni­lang ka­u­na-unahang PBA Finals appearance.

Nakatakdang labanan ng Batang Pier ang Ginebra Gin Kings sa Game Two ng kanilang semifinals series nga­yong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Pinabagsak ng NorthPort ang mga Ginebra sa Game One, 124-90, kung saan naging balanse ang atake ng tropa ni coach Pido Jarencio.

Sa nasabing panalo ng Batang Pier ay kumolekta si import Michael Qualls ng 38 markers at 15 re­bounds habang nag­dag­dag ng 24, 16, 14 at 11 mar­­­kers sina Garvo La­nete, Christian Standhar­dinger, Sol Mercado at Sean Anthony, ayon sa pag­kakasunod.

“We caught Ginebra on their off night,” wika ni Ja­rencio. “Ang haba rin kasi ng break.”

Binanderahan ni import Justin Brownlee ang Gin Kings mu­la sa kanyang 24 points, 19 boards, 6 assists at 2 blocks at may 21 mar­kers si Stanley Pringle.

“They beat us in all fa­cets of the game, so we’ve got to come back better the next time,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion coach.

Samantala, inaprubahan ng PBA Commissio­ner’s Office ang pagbi­bi­gay ng Magnolia kay ve­teran Al­drech Ramos sa Co­lum­bian kapalit ni Jackson Corpuz.

 

vuukle comment

KJ MCDANIELS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with