^

PM Sports

3-Pinoy cue masters pasok sa World 9-Ball main draw

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy cue masters ang nagtala ng im­presibong panalo para makahirit ng tiket sa main draw ng prestihiyosong 2019 World 9-Ball Championship kahapon sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Pasok na sa knockout stage sina 2004 World 9-Ball champion Alex Pa­gulayan, Johann Chua at Jeffrey Ignacio kasama ang 29 pang cue masters na umabante sa susunod na yugto.

Naitarak ng Filipino-Canadian na si Pagulayan ang 9-3 panalo kay Max Eberle ng Amerika sa Group 10 habang namayani si Chua kay Liu Ri Teng ng Chinese-Taipei (9-3) sa Group 7.

Nailusot naman ni Ig­nacio ang 9-7 pana-na­ig kay Damianos Giallourakis ng Greece para angkinin ang isa sa apat na silya sa main draw sa Group 12.

Sa kabilag banda, nahulog sa losers’ bracket sina 2017 World 9-Ball titlist Carlo Biado at Jeri-co Bonus matapos magtamo ng magkaibang ka­­biguan sa kanya-kanyang group stage.

Lumasap si Biado ng 3-9 upset loss kay Enrique Rojas ng Chile sa Group 8 habang yumuko si Bonus kay John Morra ng Canada (7-9) sa Group 1.

Kailangan nina Biado at Bonus na maipanalo ang kanilang huling mga laban upang makapasok sa knockout stage ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Kailangang maipanalo ni Biado ang kanyang rubber match kay Hassan Shahada ng Jordan habang titipanin ni Bonus si Bashar Abdulmajeed sa hiwalay na do-or-die game sa event na may nakalaang $150,000 kabuuang papremyo kabilang ang $30,000 para sa magkakampeon.

Umusad din sa main draw sina defending champion Joshua Filler ng Germany, Denis Grave ng Estonia, Mieszko Fortunski ng Poland, Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei, Liu Haitao ng China, Ralf Souquet ng Germany, Albin Ouschan ng Austria, Shane Van Boening ng Amerika at Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with