^

PM Sports

Batang Pier itinumba ang Kings sa game one

Russell Cadayona - Pang-masa
Batang Pier itinumba ang Kings sa game one
Inangatan ni NorthPort import Michael Qualls sina Justin Brownlee at Stanley Pringle ng Ginebra
PM photo ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Bagama’t halos dalawang linggong hindi naglaro dahil sa pagbibigay-daan sa 30th Southeast Asian Games ay hindi nakitaan ng anumang ‘kalawang’ ang mga Ba­tang Pier.

Iniligpit ng NorthPort ang Barangay Ginebra, 124-90, sa Game One ng kanilang semifinals series pa­ra sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Naisuko ng Batang Pier ang itinayong 16-point lead sa third period, ngunit nakabalik sa porma sa fourth quarter para ilista ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five semis showdown ng Gin Kings.

Matapos ilista ng NorthPort ang 57-41 bentahe mula sa magkasunod na three-point shots ni Sol Mercado sa pagbubukas ng third canto ay nakadikit naman ang Ginebra sa 62-63 sa likod ni import Justin Brownlee sa huling 4:37 minuto ng nasabing yugto.

Subalit muling rumatsada ang Batang Pier sa pa­­ngunguna nina reinforcement Michael Qualls at sho­oter Ga­r­vo Lanete sa fourth quarter para itayo ang 104-78 abante sa nalalabing 4:37 minuto nito.

Tumapos si Qualls na may 38 points kasunod ang 24 markers ni Lanete para sa NorthPort.

Samantala, ang fastbreak at three-point shots naman ng TNT Katropa ang pipilitin ng Meralco na ma­pigilan sa kanilang semifinals showdown.

Partikular na tututukan ng Bolts sina import KJ McDaniels, Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario ng Tropang Texters.

“Our ability to defend in transition and also the three-point line will be the keys,” wika ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black ng Meralco sa kanilang pagharap sa TNT Katropa.

Magtutuos ang Bolts at ang Tropang Texters nga­yong alas-6:30 ng gabi sa Game One sa Big Dome.

Para maitakda ang kanilang semis wars ay pinatalsik ng Meralco ang dating kampeong Magnolia at pinagbakasyon ng TNT Katropa ang Alaska sa kani-kanilang quarterfinals match.

Nauna nang tinalo ng Tropang Texters ang Bolts, 116-113, noong Oktubre 12.

Sa nasabing panalo ay bumangon ang TNT Ka­tro­pa mula sa 19-point deficit para resbakan ang Me­ralco at kumpletuhin ang kanilang pagbabalik na ti­nampukan ng 51 points ni import KJ McDaniels.

 

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with