^

PM Sports

Ancajas pumupuntirya ng unification fight sa 2020

Chris Co - Pang-masa
Ancajas pumupuntirya ng unification fight sa 2020

MANILA, Philippines — Target ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang unification bout sa susunod na taon upang mas lalo pang magningning ang kanyang pangalan.

Kaya naman nakahi­lera na ang mga bigating boksingerong posibleng ma­kalaban niya.

“Gusto ko ng unification fight,” ani Ancajas.

Nangunguna sa lista­han ni Ancajas si reigning World Boxing Council (WBC) super flyweight tit­list Juan Francisco Estrada na armado ng 40-3 re­kord tampok ang 27 knockouts.

Galing si Estrada sa impresibong ninth-round technical knockout win laban kay Dewayne Bea­mon ng Amerika noong Agosto 24 para mapanatiling suot ang kanyang WBC crown sa labang gi­nanap sa Hermosillo, So­nora sa Mexico.

Kasama rin sa lista­han ni Ancajas sina undefeated World Boxing Association (WBA) super fly­weight winner Khalid Yafai (26-0, 15 KOs) at World Boxing Organization (WBO) super flyweight king Kazuto Ioka (24-2, 14 KOs).

Anim na beses nang naipagtanggol ni Yafai ang kanyang WBA title kabilang ang huli niyang panalo laban kay Norbelto Jimenez ng Dominican Republic via unanimous decision noong Hunyo 29 sa Rhose Island.

Sa kabilang banda, si Ioka ang tumalo kay Aston Palicte noong Hunyo via 10th-round knockout win sa Chiba, Japan para makuha ang WBO belt.

Nakatakdang ipagtanggol ni Ioka ang kanyang korona laban kay Jeyvier Cintron ng Puerto Rico sa Disyembre 31 sa Ota City General Gymna­sium sa Tokyo, Japan.

Kung maikakasa ang anumang laban sa mga nabanggit na kandidato ay tiyak na mas malaking prize purse ang matatanggap ni Ancajas.

Nagmula si Ancajas sa sixth round technical knockout victory kay challenger Miguel Gonzalez ng Chile noong Dis­­yembre 7 sa Puebla, Me­­xico para mapaganda ang kanyang rekord sa 32-1-2 kasama ang 22 knockouts.

Ngunit kung si matchmaker Sean Gibbons ang tatanu­ngin ay mas nais niyang makalaban ni Ancajas si Estrada.

“The idea is to move for­ward to make the fight with Estrada. That’s what we want,” ani Gibbons.

 

 

vuukle comment

ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with