^

PM Sports

De Liaño brothers maglalaro sa Mighty sports

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Habang wala pang kasiguraduhan ang kanilang pagbabalik sa Diliman ay kakatawanin muna ng magkapatid na Juan at Gomez De Liaño ang bansa bilang miyembro ng Mighty Sports-Philippines roster para 31st Dubai International Basketball Championships na didribol sa Enero ng 2020.

Mismong si Mighty Sports coach Charles Tiu ang naghayag ng pagkakasali ng De Liaño brothers bilang unang dalawang miyembro ng kanyang koponan na sasalang kontra sa mga ball clubs ng Dubai, United Arab Emirates.

“Excited to share that our Mighty Sports team together with Go For Gold and eMedsure are going to join the 31st Dubai Invitational Tournament in January. And we have both the Gomez De Liaño brothers on our squad,” wika ni Tiu sa dalawang kamador ng University of the Philippines sa UAAP.

Magaganap ang Dubai event mula Enero 23 hanggang Pebrero 1 kung saan inaasahang babawi ang De Liaño brothers matapos ang masakit na pagkakasibak ng UP Fighting Maroons sa nakaraang UAAP Season 82.

Sa presensya ng prized recruits na sina Kobe Paras at Ricci Rivero ay naging paborito ang Fighting Maroons sa nakaraang season subalit nasilat sila ng UST Tigers sa Final Four sa kabila ng ‘twice-to-beat’ edge bilang No. 2 seed.

Parehong ipinahayag nina Juan at Javi ang walang katiyakang pagbabalik nila sa UP para sa 83rd season ng UAAP.

 

vuukle comment

DE LIAñO BROTHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with