Biado babandera sa kampanya ng Pilipinas sa World 9-Ball
Chris Co (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang matitikas na cue masters ang ipaparada ng Pilipinas sa presti­hi­yosong 2019 World 9-Ball Championship na lalarga ngayong araw sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Mangunguna sa kampanya ng Pilipinas si da­ting world champion Car­lo Biado na gigil na ma­bawi ang korona na nahawakan niya noong 2017 edisyon ng torneo.

Bigong maipagtanggol ni Biado ang titulo no­ong nakaraang taon nang yumukod kay Joshua Fil­ler ng Germany sa finals sa iskor na 10-13.

Makakasama ni Biado sina Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Jerico Bonus at 2004 World 9-Ball titlist Filipino-Canadian Alex Pa­gulayan.

Ibubuhos nina Biado, Chua at Ignacio ang ka­nilang ngitngit matapos mabigong makasungkit ng gintong medalya sa na­karaang 30th Southeast Asian Games.

Nagkasya lamang sa tanso sina Biado at Chua sa men’s 9-ball pool doubles at tanso rin sina Ignacio at Warren Kiamco sa parehong event.

Hindi rin nadepensa­han ni Biado ang kanyang men’s 9-ball pool singles crown na napanalunan no­ong 2017 edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kaya mas de­ter­mi­nado ang Pinoy squad na makabawi sa World 9-Ball event na lalahukan ng 96 matitikas na manlalaro.

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with