^

PM Sports

Pacquiao vs Garcia sa susunod na taon

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Optimistiko si dating WBC/IBF lightweight titlist Mikey Garcia na matutuloy ang laban nito kay reig­ning WBA welterweight champion Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Garcia kung saan ibinunyag nito na gumugulong ang negosasyon para maikasa ang laban nito sa Pinoy champion.

May mga ilang puntos na lamang ang pinaplantsa ng magkabilang kampo para matuloy ang laban.

Marami lang aniyang pinagtutunan ng pansin ang Pinoy champion gaya ng kanyang tungkulin bilang Senador sa Pilipinas.

“We’ve been discussing a fight against Manny Pac­quiao for a long time now, and it seems like it’s very close and it can actually happen. Nothing is secure. He has some political obligations right now,” ani Garcia sa panayam ng Fight Hype.

Sinabi ni Garcia na may target nang petsa si Pacquiao ngunit wala ito sa puwesto para ianunsiyo ang anumang napapag-usapan sa negosasyon.

“He’s still busy with that, but the last thing I heard, he’s interested in fighting in the early part of the summer. There’s still no opponent secured. That’s why I want to jump in and try and get that fight,” ani Garcia.

Bukas na bukas si Garcia saan man naisin ganapin ang laban.  Pangunahing opsiyon ang Las Vegas, Nevada.

Pero makailang ulit ding nabanggit ang Saudi Ara­bia maging ang Dubai at Macau na posibleng pag­dausan ng laban.

Para sa fans, handa si Garcia, may 39-1 rekord tampok ang 30 knockouts,  na puntahan saan mang bahagi ng mundo ito matuloy lamang ang laban kay Pacquiao.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with