^
21 ginto sa Subic

21 ginto sa Subic

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - December 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 21 ginto ang nasikwat ng Team Philippines sa mahirap na Subic cluster kung saan karamihan idi­naos ang water sports ng katatapos lang na 30th Southeast Asian Games.

Malaking ambag ito sa 387 (149 na ginto, 118 na pilak at 120 na tanso) na overall tally ng Nationals upang maging hari uli ng Southeast Asia sa unang pagkakataon simula nang ganapin din dito ang biennial meet noong 2005.

Pinakamalaki ang na-ging ambag ng Filipino triathletes dito na winalis ang lahat ng events kabilang na ang pinaka-unang ginto ng SEA Games sa katauhan ni John Leerams “Ramzz bo” Chicano na naghari sa men’s triathlon na ginanap sa Subic Bay Boardwalk kung saan idinaos din ang Duathlon, Modern Pentathlon at ang 10km open water swimming.

Sinundan kaagad siya ni Kim Mangrobang na nag­reyna sa women’s di­­vision, habang kalaunan ay nagtulong silang sa­­mahan sina Fernando Casares at Maria Claire Adorna para sa kampeo-nato ng mixed triathlon.

Panalo rin sa women’s duathlon si Monica Torres.

Solido rin ang kontribusyon ng sailing, rowing  at muay thai na nagposte ng tig-tatlong gintong me­dalya.

Wagi sina Joemar Gal­laza at Jearome Calica sa waikru mai muay, habang nanaig sa kanilang mga division sina Phillip Delarmino at Ariel Lee Lam­pacan sa Subic Bay Exhibition and Convention Center kung saan idi­naos din ang Pencak Si­lat at Table tennis.

Namayani rin sina Lester Tayong at Emerson Villena sa international 470 race, habang panalo rin ang Philippine team sa mixed keelboat ra­cing at men’s race para sa three-gold haul ng sailing sa Su­bic Bay Yatch Club.

Sa Rowing na ginanap sa Kamana Sanctuary, Tri­boa Bay, nanalo ng da­lawang gold si Melca Jen Caballero sa single at double sculls kasama si Joanie Delcago at wagi rin si Edmar Tacuel.

Dalawa naman ang naiu­wi ng bagong sport na Modern Pentathlon nang manalo sa mixed beach-laser event sina Princes Ar­bilon at German Sa­muel ga­yundin si Michael Ver Anton Comaling na wagi sa beach triathle event.

Parehong two-gold tally ang naitala ng windsurfing team at sepak takraw team.

Tig-isa naman ang naibulsa ng pencak silat team sa katauhan ni Edmar Tacuel sa seni tunggal male division gayundin ang men’s trap team sa shotgun shooting na binubuo nina Eric Ang, Car­los Carag at Hagen Ale­xander Topacio.

May  15 silver me-dals din na ambag ang mga atletang sumabak sa Subic cluster kung saan idinaos din ang  Beach volleyball at beach handball sa Subic Bay Tennis court, Malaawan Park sa canoe/kayak, traditional boat race, dragon boat racing, sepak takraw sa Subic gymnasium at chess sa Travelers Hotel.

SUBIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with