56-golds sa Manila Cluster
(Pang-masa) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 56 gold ang hinakot ng Team Philippines sa Manila Cluster sa katatapos na 30th Southeast Asian Games sa pangunguna ng mga taekwondo jins, boxers, wushu athletes at obstacle course athletes upang tanghaling overall champions sa kani-kanilang sport.

Pinakamaraming  ginto ang naiambag ng taekwondo athletes sa kanilang hinakot na 8 golds, apat mula sa poomsae, sa pangunguna ni Rodolfo Reyes Jr. na nakadalawang gold sa kanyang panalo sa men’s individual poomsae at bahagi ng men’s team poomsae kasama ang magkapatid na Dustin at Jacob Mella.

Nanalo rin sina Pauline Louise Lopez, Sa-muel Morrison, Jocel Lyn Ninobla, Dave Cea at Kurt Bryan Barbosa.

May tig-pitong gold naman ang mga boxers at wushu habang na-sweep ng obstacle course athlete ang anim na golds.

Pinangunahan ni Agatha Wong ang Phl wushu team sa pagkopo ng dalawang gold sa women’s taolu taijiquan at taijijian at nagdeliber din ng ginto sina Jessie Aligaga, Divine Wally, Arnnel Mandal, Francisco Solis at Clemente Tabugara Jr.

Hindi naman nagpahuli ang mga pambatong world caliber boxers na sina Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Jossie Gabuco, James Palicte at Charly Suarez.

Nagpakitang-gilas naman ang Obstacle course team na sina Rochelle Suarez, Kevin Pascua, Mervin Guarte at Sandi Menchu Abahan na nanalo ng mga individual golds bukod pa sa team golds sa mixed team relay 400mx12 obstacle nina Diana Buhler, Klymille Rodriguez, Natha-niel Sancherz at Jeffrey Reginio at mixed team assists 400mx12 obstacle nina Kyle Antolin, Monolito Divina, Kaizen Dela Serna, Deanne Nicole Moncada.

Dinomina rin ng Pinas ang basketball competitions para makopo ang overall title sa nakopong apat na gold ng Gilas men’s at wo-men’s team at sa men’s at women’s 3x3 teams.

Apat na gold din ang billiards na pinangunahan nina Chezka Centeno at Rubilen Amit na magkasama sa women’s 9-ball doubles bukod pa sa kanilang tig-isang gold sa 10-balls singles at 9 balls singles ayon sa pagkakasunod bukod pa sa panalo ni Dennis Orcollo.

Nakapagbigay naman ng tigatlong gold ang E-sports, Kickboxing, soft tennis at gymnastics sa pangunguna ni Carlos Edriel Yulo na nakadalawang gold bukod pa sa kanyang limang silver.

Tigalawang gold naman ang fencing, karate at weightlifting kung saan bumida si Olympic silver medalists Hidilyn Diaz.

Tig-isang gold din sa squash at tennis.

Sa kabuuang 23 sport ang kasama sa Manila cluster kung saan apat ang ginawa sa Rizal Memorial Sports Complex--gymnastics, tennis, soft tennis at weightlifting; tatlo sa World trade Center—fencing, karate, wushu at dalawa sa Mall of Asia—basketball at ice hockey.

 

MANILA CLUSTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with