PBA semis simula bukas
Russel Cadayona (Pang-masa) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinakasan ng NorthPort ang Barangay Ginebra, 98-96 para ibulsa ang pang-walo at huling tiket sa eight-team quarterfinal round ng 2019 PBA Governor’s Cup noong Nobyembre 17.

Muling magtutuos ang Batang Pier at Gin Kings sa best-of-five semifinals series na magsisimula bukas.

Matapos ang 115-90 panalo ay isinunod ng No. 8 NorthPort ang dramatikong 126-123 triple-overtime win para patalsikin ang No. 1 NLEX at ayusin ang kanilang semis showdown ng Ginebra.

Ang Batang Pier ni mentor Pido Jarencio ang naging ikaapat na koponang sumibak sa isang No. 1 team papasok sa semifinals.

Ang mga nauna ay ang Ginebra noong 1999 All-Filipino Cup, ang San Miguel noong 2002 Governors’ Cup at ang Powerade noong 2012 Philippine Cup.

Inaasahang gagamitin ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ang ‘momentum’ na kanyang nakuha matapos igiya ang Gilas Pilipinas sa pang-18 korona sa men’s basketball competition ng katatapos na 30th Southeast Asian Games.

Kasama sa national squad sina Gin Kings players Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio at Joe Devance, isa sa mga coaching staff ni Cone.

Itatampok sa nasabing semis series ang bakbakan nina Ginebra import Justin Brownlee at NorthPort reinforcement Michael Qualls.

Tinapos ng Gin Kings ang hangad ng San Miguel Beermen na makopo ang ikalawang PBA Grand Slam crown matapos kunin ang 100-97 panalo sa kanilang quarterfinals match.

Samantala, bubuksan naman ng TNT Katropa at Meralco ang sarili nilang semis wars sa Linggo.

Pinatalsik ng Tropang Texters ang dating kampeong Magnolia Hotshots, 98-97 habang pinagbakasyon ng Bolts ang Alaska Aces, 94-84 para itakda ang kanilang semifinals duel.

          

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with