Team Sibol nagpasikat sa SEA Games
Chris Co (Pang-masa) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa debut ng esports sa Southeast Asian Games, inilabas agad ng Team Sibol ang bagsik ng Pinoy gamers matapos sumungkit ng tatlong ginto, isang pilak at isang tanso para tanghaling overall champion sa torneo.

Unang umariba ang Sibol sa Mobile Legend: Bang Bang (MLBB) at Dota 2 matapos gapiin ang kanilang world-class opponents sa gold-medal match.

Nagsanib-puwersa sina Kenneth Villa, Jeniel Bata-anon, Carlito Ribo, Jason Torculas, Angelo Arcangel, Karl Nepomuceno at Allan Castromayor sa pagtarak ng 3-2 come-from-behind win laban sa world champion Indonesia sa five-game finals series ng MLBB.

Muling umariba ang Pinoy gamers sa Dota 2 team sa likod nina James Erice Guerra, Van Jerico Manalaysay, John Anthony Vargas, Bryle Jacob Alvizo at Marvin Salvador Rushton nang kunin ng tropa ang isa pang 3-2 gitgitang panalo laban sa Thailand sa best-of-five showdown.

Magarbong tinapos ng Sibol ang kampanya nito nang kunin ni Caviar Napoleon Acampado ang ikatlong ginto ng Pilipinas sa bendisyon ng 4-1 demolisyon kay Singaporean Thomas Maria Kpankiewicz sa finals ng Starcraft II event.

Nakapilak naman si Alexandre Gabrielle Laverez (Tekken 7) at tanso si Andreij Hosea Albar (Tekken 7).

“We are happy that we were able to contri-bute to Team Philippines,” ani Starcraft II coach Jess Tamboboy.

Nagpasalamat ang Sibol sa mga sumuporta sa tropa partikular na kay businessman Manny V. Pangilinan at sa Smart/PLDT.

Maliban sa insentibong magmumula sa gobyerno na P300,000 (Republic Act) at P250,000 (dagdag mula kay Pangulong Rodrigo Duterte), inihahanda na ng Smart/PLDT ang pabuyang ipinangako nito bago pa man magsimula ang SEA Games.

Nauna nang inihayag ng Smart/PLDT na magkakamit ng P1 milyon ang gold medalist sa individual event at P2 milyon naman sa team event.

TEAM SIBOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with