Donaire obligadong labanan si Oubaali
Chris Co (Pang-masa) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabalik sa ring si four-time world champion Nonito Donaire Jr. sa susunod na taon.

Ito ay matapos iutos ng World Boxing Council (WBC) na harapin ni Donaire si WBC bantamweight champion French Nordine Oubaali bilang challenger.

Hindi pa tiyak ang petsa ng laban dahil magkakaroon pa ng negosasyon sa pagitan ng grupo ng dalawang boksingero.

Tinaningan ng WBC ng 30 araw ang kampo nina Oubaali (MTK Global) at Donaire (Ringstar Promotions) para plantsahin ang lahat ng kailangan para matuloy ang laban.

Bukod sa petsa ng laban, pag-uusapan din ang prize purse ng dalawang boksingero gayundin ang magiging hatian sa kiki-tain ng laban.

“The WBC Board of Governors has voted una-nimously to appoint Nonito Donaire as the WBC mandatory contender in the bantamweight division,” ayon sa inilabas na statement ng WBC.

Sariwa pa si Donaire sa masaklap na unanimous decision loss kay Japanese fighter Naoya Inoue na siyang kasalukuyang nagmamay-ari ng International Boxing Federation at World Boxing Organization bantamweight crown.

Umaasa si Donaire na matutuloy ang labang ito upang magkaroon ng pagkakataon na maibalik ang ningning sa kanyang pangalan.

Gigil si Donaire na makabalik sa porma para pagandahin ang kanyang 40-6 win-loss record.

Sa kabilang banda, matikas ang rekord ni Oubaali na may 17-0 marka tampok ang 12 knockouts.

Huling sumalang si Oubaali noong Enero nang payukuin nito si Rau’Shee Warren via unanimous decision para makuha ang WBC title.

DONAIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with