_pang-masa
^

PM Sports

Chooks to Go-MPBL balik-aksiyon ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbabalik-aksyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League, kasama ang bagong partner na Chooks-to-Go sa muling pagratsada ng Lakan Season ngayon tampok ang three-game bill sa Caloocan Sports Complex.

Pupuntiryahin ng Makati at Manila ang pag-lapit sa top four spots sa North division sa kanilang pagsagupa sa Navotas at Muntinlupa sa alas-6:45 at alas-8:45 ng gabi, ayon sa pagkakasunod.

Magtutuos naman ang Quezon City at Bacolod sa alas-4:15 ng hapon.

Tatawaging Chooks to Go-MPBL Lakan Season, nagkaroon ang liga ng two-week break para sa hosting ng bansa sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games.

Napormalisa ang five-year partnership sa pagitan ng MPBL ni Founder at CEO Sen. Manny Pacquiao at Chooks to Go ni Ronald Mascariñas ng Bounty Agro Ventures, Inc. noong Martes.

Tangan ng Makati Super Crunch ang 19-4 slate at ang panalo laban sa Navotas Clutch (6-16) ang titiyak sa kanilang top four finish at homecourt advantage sa playoffs.

Ito rin ang makakamit ng Manila Stars (18-4) kung tatalunin ang Muntinlupa Cagers (5-17).

Paborito ding manaig ang Basilan Steel (14-8) laban sa Sarangani Marlins (1-21).

CHOOKS TO GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with