^

PM Sports

‘Di malilimutan ni Gilas coach Tim Cone

Pang-masa
�Di malilimutan ni Gilas coach Tim Cone

MANILA, Philippines – Espesyal para kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang pagka-kabingwit nito sa kanyang unang gintong medalya sa 5x5 men’s basketball competition ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Naitarak ng Gilas Pi-lipinas ang ika-13 sunod na titulo sa regional biennial meet na ito, ika-18 sa kabuan nang pabagsakin nito ang mga masigasig na Thailand,  115-81, kamakalawa sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa halos tatlong dekada ni Cone bilang coach sa Philippine Basketball Association (PBA), ito ang unang beses na nakatikim ng gintong medalya, 21 taon makalipas matapos ang bronze medal finish nito noong 1998 Asian Games.

“You can’t go wrong with the gold medal. My Gosh, a gold medal, that’s something you can remember forever,” sabi ni Cone sa post-game conference. “I mean, if you’re like (multi-titled swimmer) Mark Spitz and had 10 golds medals, maybe that’s something (normal) but if you got one, that’s going to be incredibly special.”

Bagama’t marami ng naipanalong kampeonato sa pro-league si Cone, iba rin aniya ang pakiramdam na makapagdala ng karangalan sa bansa at kung siya ang tatanungin mas higit pa aniya ang tagumpay na ito kumpara sa lahat ng titulong nakuha niya.

Isang kakaibang karanasan para kay Cone ang muling mahawakan ang pambansang koponan at maibandera ang watawat ng bansa sa SEA Games kaya’t hinding-hindi niya malilimutan ang gintong medalyang ito.

“You’re gonna remember the gold because of all the experience you went through this last week,” dagdag nito. FJ

 

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with