Si Duterte mismo ang mamimigay ng cash incentives
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inaasahang tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na bibigyan niya ng ‘bonus’ ang mga miyembro ng Team Philippines na kumuha sa overall crown ng 30th Southeast Asian Games.

Nangako ang President na magdaragdag ng P250,000 para sa mga gold medalists, P150,000 para sa silver at P100,000 para sa bronze winners.

Hiwalay pa ito sa matatanggap ng mga national athletes mula sa Republic Act 10699 kung saan nakasaad na bibigyan ang mga gold medalists sa SEA Games ng insentibong P300,000, habang P150,000 at P60,000 ang makukuha ng mga silver at bronze winners, ayon sa pagkakasunod.

Itinakda ang courtesy call ng Team Philippines sa Malacanang sa Disyembre 18.

“We were all hoping and praying for this, but it is still a sweet surprise now that it is actually happening,” sabi ni Philippine Sports Commission chairman at Chef De Mission William ‘Butch’ Ramirez. “I am so proud of our athletes.  All of them deserve our respect and love.”

Ito ang ikalawang pagkakataon na naging overall champion ang Pilipinas sa biennial event matapos noong 2005 kung saan tumayo ding Chef De Mission si Ramirez.

Humakot ang mga Pinoy athletes ng kabuuang 112 gold, 85 silver at 93 bronze medals sa nasabing edisyon ng SEA Games.

Para sa training at international exposure ng mga national athletes ay gumastos ang PSC, katulong ang Philippine Amusements and Gaming Corporation, ng pondong P1.5 bilyon.

Ipinaayos din ng sports agency ang mga sports facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at Philsports Complex sa Pasig City.

“They deserve better venues to train and play in.  The Games gave us the means to make these improvements possible,” wika ni Ramirez.

Idinaos sa Rizal Memorial Sports Complex at  Philsports Complex ang football, gymnastics, weightlifting, taekwondo, soft tennis, lawn tennis at indoor volleyball competitions ng 2019 SEA Games.

“This is a result of all the sacrifice and hard work of everyone who pushed for chances at victory,” wika pa ni Ramirez. “This victory is very sweet given the many difficulties we had to face.  This win proves that we can achieve a lot when we come together united as one team.”

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with