2-ginto pa sa jiu-jitsu
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

CLARK, Philippines – Nagdag-dag ng dalawang gold medals sina Adrian Rodolfo Erwin Guggenheim at Annie Ramirez sa pagsasara ng jiu-jitsu competitions ng 30th Southeast Asian Games.

Tinalo ni Guggenheim si Willy ng Indonesia sa men’s under 77 kilogram, habang dinaig ni Ramirez si Cassandra J Poyong ng Malaysia sa women’s under-55kg para ibulsa ang mga gintong medalya kahapon dito sa Laus Group Event Center.

Tinapos ng mga Pinoy jiu-jitsu warriors ang kanilang kampanya sa 2019 SEA Games bitbit ang limang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya para isubi ang overall title.

May tig-tatlong gold naman ang Singapore at Thailand, habang nabokya ang Vietnam, Indonesia at Malaysia.

Pinangunahan ni 2018 world champion Marga-rita “Meggie” Ochoa ang pananalasa ng mga Pinoy matapos talunin si Le Dao ng Vietnam sa women’s 45kg noong Lunes.

Sinundan ito ng mga panalo nina Dean Michael Roxas (men’s 85kg) at Carlo Peña (men’s 56kg).

JIU-JITSU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with