Shooting gold sapul ng Philippine men’s trap team
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

SUBIC, Philippines – Sumapol ng gintong medalya ang Filipino shooters upang dagdagan pa ang sangkatutak na koleksyon ng Pilipinas papalapit sa pagtatapos ng 30th Southeast Asian Games kahapon dito sa Ilanin Forest.

Ipinamalas nina Eric Ang, Carlos Carag at Hagen Alexander Topacio ang karanasan bilang world shot gun championships veterans nang pagharian ang men’s trap shooting event kontra sa Malaysia at Thailand.

Sa loob ng limang rounds, nagbuslo ng kabuuang 338 puntos ang mga tirador na Pinoy upang masikwat ang gintong medalya sa pagtatapos ng shooting competitions.

Umiskor ng tig-115 puntos sina dating Olympian Ang at shotgun world cup campaigner na si Carag habang nagdagdag din ng 108 marker si Topacio.

Walong puntos ang nilamang ng Nationals kontra sa trio nina Bernard Yeoh, Cheng Ong at ng Malaysia na nakaipon lang ng 330 puntos para sa silver medal. Pumangatlo naman sina Savate Sresthaporn, Yodchai Phachonyut at Tadhongkam Kornthawat ng Thailand sa nakuhang 321 markers.

Samantala, napigilan naman ni Sresthaporn ang twin-gold medal win sana ni Carag nang maagaw ang titulo sa men’s individual trap shotgun shooting sa parehong venue.

Nagpakawala ng 44 puntos sa 50 rounds ang 56-anyos na beterano mula sa Thailand para mau-ngusan sa gintong medalya si Carag na nagkasya lang sa 41 puntos.

PHILIPPINE MEN’S TRAP TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with