_pang-masa
^

PM Sports

Chooks to Go-MPBL nagsanib-puwersa

Pang-masa

MANILA, Philippines – Magiging kaakibat na ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang Chooks-to-Go sa pagtataguyod ng pinakamalawak na basketball league sa bansa.
Inihayag kahapon ng Chooks-to-Go at MPBL ang partnership sa Edsa Shangri-La Hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong na isang magandang regalo  kay MPBL owner Sen. Manny Pacquiao para sa kaniyang ika-41 kaarawan sa susunod na linggo (Dis­yembre 17).

“Dahil ang MPBL ang tunay na tahanan ng mga Manok ng Bayan, we are committed to sponsor this league for five years,” ani Bounty Agro Ventures Inc. (BAVI) President Ronald Mascariñas.

Noong 2016 nagsimula ang pagpasok ng Chooks-to-Go sa mundo ng sports kung saan maliban sa basketball, suportado rin ng grupo ang ilang panguna­hing atleta at personalidad sa iba’t bang sports gaya ng volleyball.

Sa kabilang banda, hindi maikakaila na nananalaytay sa dugo ni Pacquiao ang sports.
Si Pacquiao ang na­ging daan upang buuin ang MPBL na isang venue para sa mga basketball players na ipamalas ang kanilang husay.
“This is just the beginning of a strong and long partnership between the MPBL and Chooks-to-Go. We all know that Chooks-to-Go has been helping in sports development. Helping us is their way of helping a very successful business venture for me,” ani Pacquiao.

Sa katunayan, mula sa 10 koponan noong nagsimula ito, umakyat na sa 31 teams ang kasalukuyang naglalaro sa liga.
Masaya si Pacquiao sa pagpasok ng Chooks-to-Go na makakatuwang nito para lubos pang mapagtibay ang basketball program.

“As the father of the MPBL, I’m very happy that Chooks-to-Go has recog­nized the Maharlika Pilipinas Basketball League as a solid league with a bright future ahead of it. It is integral in MPBL’s vision to be the league for every Filipino. And with you, we will be able to help more Filipinos,” dagdag ni Pacquiao.

 

CHOOKS TO GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with