^

PM Sports

Davis humataw

Pang-masa

LOS ANGELES -- Kalahati ng produksyon ng Lakers ay nagmula sa tambalan nina Anthony Davis at LeBron James.

Humataw si Davis ng season-high 50 points habang may 32 markers si James para pangunahan ang Los Angeles sa 142-125 pagpulutan sa Minnesota Timberwolves.

Itinala ng Lakers ang kanilang league-best na 21-3 baraha tampok ang apat na sunod na ratsada at 10-2 home record.

Isinalpak ni Davis ang isang floater sa huling 4:39 minuto ng fourth quarter para mailista ang kanyang ika-50 puntos sa ikaapat na pagkakataon sa kanyang career.

Nagdagdag siya ng pitong rebounds at anim na assists habang may 13 assists naman si James para sa Los Angeles, nakahugot kay Alex Caruso ng 16 points.

Pinamunuan nina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins ang Minnesota, nalasap ang ikaapat na sunod na kamalasan sa kanilang tig-19 points.

Sa Portland, tumipa sina Dennis Schroder at Shai Gilgeous-Alexander ng tig-21 points para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 108-96 panalo kontra sa Trail Blazers.

Nagtala ang Oklahoma City, nakakuha ng 20 markers kay Chris Paul, ng 18-point lead sa first half at hindi na nilingon pa ang Portland.

Sa Miami, iniskor ni rookie Tyler Herro ang 16 sa huling 18 puntos ng Heat para tumapos na may 27 markers at talunin ang Chicago Bulls, 110-105.

Pinaganda ng Miami ang kanilang home record sa 10-0 ngayong season.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 23 points para sa Heat, nakahugot kay Bam Adebayong 21 points, 13 rebounds at 6 assists at 18 markers kay Kendrick Nunn.

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with