^

PM Sports

Skateboarding, golfers, surfers nagdeliber

Chris Co - Pang-masa
Skateboarding, golfers, surfers nagdeliber

MANILA, Philippines — Habang patuloy ang paghakot ng gold ng team Philippines sa mga clusters ng Manila, Subic at Clark, nakapulot din ng ginto ng Pinas sa iba’t ibang lugar mula sa golf, skateboarding at surfing sa kasaluku-yang 30th Southeast Asian Games.

Sa pangunguna ni Bianca Pagdanganan, na-sweep ng Pinay golfers ang women’s division nang maki-pagtulungan ito kina Lois Kaye Go at Abby Arevalo

para makopo ang team competition matapos igupo ang Malaysia, 1.5-.5, sa match play final sa Luisita Golf and Country Club sa Tarlac.

Nauna nang nanalo ang LPGA Tour-bound Pagdanganan sa individual competition.

Ang men’s team nina Luis Castro, Aidric Chan, Carl Corpus at Sean Ramos ay nagkasya naman sa bronze medal.

Kumopo naman ng dalawang gold ang Pinas sa surfing competition sa San Juan La Union sa pangu-nguna ng tinaguriang surfer hero na si Roger Casugay.

Matapos iligtas ang kalabang Indonesian surfer kamakalawa, nabiyayaan ng gold ang kanyang kabutihan sa kanyang panalo sa men’s longboard event.

Nagdagdag din ng gintong medalya si Pinay pride Nilbie Blancada matapos daigin si Annissa Tita Flynn ng Thailand sa finals ng women’s shortboard open.

Tuloy ang arangkada ng National skateboarding team matapos magdagdag ng isa pang mula  sa Tagaytay Skate Complex sa Tagaytay City.

Matapos ang dalawang runner-up finishes sa unang dalawang araw ng bakbakan, nakopo ni Christiana Means ang gold medal matapos pagreynahan ang women’s skate park category.

Nagpamalas ng husay ang Portland-based Pinay skater gamit ang impresibong tricks para makalikom ng 11.2 puntos para talunin si Cinta Nyimas ng Indonesia na umiskor ng 10.76 para makuha ang pilak na medalya.

 Una nang sumiguro ng dalawang pilak si Means sa Game of Skate at street - ang dalawang events na pinagreynahan ni Asian Games champion Margielyn Didal.

Nakahirit naman ng 1-2 punch sina Jaime De Lange at Duke Raphael Pandeguia sa men’s downhill. Wagi rin ng ginto si Jojit Francisco sa men’s park category.

Sa kabuuan, may anim ginto na ang skateboarding team.

vuukle comment

SKATEBOARDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with