^

PM Sports

Double gold din sa Philippine muay thai

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa hinaba-haba at nilubak-lubak man ng prusisyon, sa tagumpay din ang tulay.

Iyan ang naging kuwento ni dating manganga-lakal Phillip Delarmino at dating minero na si Ariel Lee Lampacan matapos bitbitin sa dalawang gintong medalya ang Philippine muay thai team kahapon sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games dito sa Subic Bay and Exhibit Center.

Pinagpag ni Delarmino ang katapat na si Long Doan Nguyen ng Vietnam, 29-28, sa 57-kg bout habang sinilat naman ni Lampacan ang paboritong si Sakchai Chamchit ng Thailand sa iskor din na 29-28 upang trangkuhan ang magandang kampanya ng Nationals sa pagtatapos ng muay thai competitions.

Dahil sa gold medal win din nina Jearome Calica at Joemar Gallaza sa men’s waikru mai noong opener, nakahakot ng kabuuang tatlong ginto ang Filipino fighters para maiangat ang one-bronze medal campaign noong 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

Samantala sa Malawaan Park, sinagwan ni Philippine Navy pride Melcah Jen Caballero ang kanyang ikalawang gold matapos mag-reyna sa women’s lightweight single sculls event.

Mabagal man ang naging simula, malakas naman ang naging pagtatapos ng 23-anyos na Bicolana upang makumpleto ang comeback win sa 2000-meter race sa loob lamang ng pitong minute at 50.89 segundo.

Ito na ang ikalawang gold medal ni Caballero matapos ding magwagi sa women’s lightweight double sculls kamakalawa kasama ang kasanggang si Joanie Delgaco.

Ang Philippine traditional boat race team sa Malawaan Park din ay nagkasya lang sa bronze medal sa 22-seater 1, 000-meter mixed race.

vuukle comment

PHILIPPINE MUAY THAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with