PBA Annual draft ngayon
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagbawal na ang mag-trade ng No. 1 draft pick kaya siguradong pipili na ngayong taon ang Columbian Dyip ng kanilang bagong player sa gaganaping  2019 PBA Rookie Draft ngayon sa Robinson’s Place Manila.

May siyam na Fil-foreign players ang pagpipili-an ng Columbian na pangungunahan nina Roosevelt ­Adams at Sean Manganti sa kabuuang 71 rookie aspirant na kinabibilangan din nina Ateneo standouts Isaac Go, Mike at Matt Nieto, Allyn Bulanadi ng San Sebastian, Rey Suerte ng University of the East, Jerrick Balanza at Bonbon Batiller ng Letran at ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino ng Lyceum.

Kasunod na pipili ng Columbian ay ang Blackwater Elite at ikatlo ang NLEX Road Warriors kasunod ang Rain or Shine mula sa pakikipag-trade sa Alaska, mula sa Phoenix,  Rain Or Shine uli sa No. 6, Magnolia, Columbian uli sa NO. 8 mula sa San Miguel, Meralco, NorthPort, TNT Katropa at huli ang Ginebra.

Napagkasunduan ng PBA Board na ipagbawal ang pagte-trade matapos maging kontrobersiyal ang trade na ginawa ng Columbian at San Miguel na humugot kay Christian Standhardinger.

Ibinigay ng Columbian ang kanilang No. 1 pick kapalit nina role players Ronald Tubid, Jay-R Reyes and Rashawn McCarthy bukod pa sa 2019 first round pick ng San Miguel.

Si Adams ay lumaro sa Mighty Sports at Go for Gold-CSB sa 2019 PBA D-League Aspirants’ Cup habang si Manganti ay mahusay na forward mula sa Adamson University.

Hindi kasama sa draft ngayong taon si three-time UAAP Finals MVP Thirdy Ravena, dahil sa kagustuhan nitong mag-training at maglaro sa ibang bansa.

Magkakaroon ng special draft kung saan limang manlalaro ang pipiliin ng limang tropa - Columbian, Blackwater, NLEX, Alaska at Rain or Shine - at ipapahiram nila sa Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup.

PBA ANNUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with