Sen. Tolentino tiwala sa Philippine kickboxers
(Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng Pinoy kickboxers na makapagpamalas ng galing at husay sa unang pagkakataon sa 30th Southeast Asian Games na may pressure sa pagsabak sa harap ng nagbubunying kababayan.

“Hindi mawawala ‘yung pressure, this is the first time that kickboxing will be played in the SEA Games. Debut ng ating mga atleta at sa harap ng ating mga kababayan, sabi ko nga buti pa nauna na kaming lumaban at least nakaraos na kami,” pahayag ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis ‘Tol’ Tolentino. “Our athletes were trained hard for this. Mahirap mag-predict kung ilang gold tayo pero malaking bagay kung nakalaro si Rene Catalan, sure gold sa atin ‘yun,” sambit ni Tolentino sa welcome dinner para sa mga atleta at opisyal na kalahok sa pina-kabagong sports sa SEA Games.

Tinukoy ni Tolentino ang pagkakatanggal ni Catalan sa line-up bunsod ng teknikalidad sa rules ng sports.

Nakaatang ngayon ang laban ng koponan sa ladies class na pinangungunahan ni Gina Iniong – tulad ni Catalan – beterano sa pro league at mainstay sa ONE FC.

Walong gintong medalya ang nakataya sa kickboxing: men’s -51kg at -57kg full contact, -54kg, -60kg at -63.5kg low kick at -67kg kick light, women’s -48kg full contact at -52kg kick light.

Nakatakdang magsimula ang aksiyon sa kickboxing ngayon sa alas-9 ng umaga sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES PHILIPPINE KICKBOXERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with