Toronto ‘di umubra sa Houston
(Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

TORONTO -- Nalimitahan ng Raptors si high scoring guard James Harden sa 23 points ngunit hindi ito sapat para mapigilan ang Houston Rockets sa 119-109 pagpapatumba sa Toronto.

“James, to his credit, didn’t force anything,” wika ni Houston head coach Mike D’Antoni. “He said, ‘OK, double me and my teammates will score tonight,’ and they did it.”

Winakasan ng Rockets ang kanilang three-game road losing streak.

Nagposte si guard Russell Westbrook ng triple-double sa kanyang 19 points, 13 rebounds at 11 assists para sa Houston habang nagdagdag si Ben McLemore ng season-high na 28 points at kumolekta si P.J. Tucker ng 18 points at 11 rebounds.

Ipinalasap din ng Rockets, nakahugot kay Danual House Jr. ng 16 markers, ang ikalawang sunod na home loss ng Raptors matapos ang franchise-record 9-0 sa pagsisimula ng season.

Binanderahan ni Pascal Siakam ang Toronto sa kanyang 24 points habang may 20 at 1 markers sina VanVleet at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod.

Sa Denver, umiskor si Will Barton ng 17 points para igiya ang Nuggets sa 129-92 paglampaso sa New York Knicks.

Nag-ambag si Jerami Grant ng 16 points kasunod ang 15 markers ni Monte Morris para sa Denver.

Sa New Orleans, humataw si Devin Booker ng season-high na 44 points para tulungan ang Phoenix Suns sa 139-132 overtime win laban sa Pelicans.

Sa Washington, pinataob ng Wizards si Joel Embiid at ang Philadelphia 76ers sa pamamagitan ng 119-113 panalo.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with