^

PM Sports

Ang daan ng Gilas tungo sa tagumpay

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng Vietnam kagabi, Myanmar na lang ang huling haharapin ng Gilas Pilipinas sa eliminations ng 5x5 men’s basketball ng 30th Southeast Asian  Games na nilalaro sa Mall-of Asia Arena sa Pasay City.

Nauna nang tinalo ng Gilas ang Singapore, 110-58 at ang tagum-pay kagabi ang sisiguro ng slot sa semifinals sa Group A kung saan kasama nila  ang Vietnam na nauna nang nanalo sa Myanmar (131-52) at Singapore (99-78).

Sa semifinal round, maghaharap ang No. 1 at No. 2 team ng kabilang  grupo at kung sino ang mananaig ay siyang magtatagisan para sa gintong medalya habang paglalabanan ng mga natalong teams ang tansong medalya.

Tatapusin ng Gilas ang kanilang preliminaries campaign sa pakiki-pagtunggali nito sa wala pang panalong Myanmar bandang alas-8:15 ng gabi sa parehong playing venue.

Nangunguna naman sa Group B ang Thailand na may malinis na 2-0 record at sigurado na sa semis kasunod ang Indonesia at Malaysia na tabla sa 1-1 kartada.

Alinman sa Indonesia at Malaysia na kalaban ang kulelat sa kanilang grupo na Cambodia (0-2) kagabi ang makakalaban ng Gilas sa semifinals.

Bukas naman kakalabanin ng Indonesia ang Cambodia.

Inaasahang magagawang makopo ng Gilas Pilipinas squad ni coach Tim Cone ang ika-13 sunod na SEA Games basketball title ng bansa sa tulong ng koponang pinamumunuan ng mga Gilas veterans  na sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with