^

PM Sports

Nandiyan naman si Hallasgo

Russell Cadayona - Pang-masa
Nandiyan naman si Hallasgo

CAPAS, Tarlac , Philippines — Nabigo man si Mary Joy Tabal na maidepensa ang kanyang SEA Games title ay nariyan naman si Christine Hallasgo para sumaklolo.

Nang halos magkulapso na si Tabal sa dulo ng karera ay nagdesisyon si Hallasgo na tuluyan nang iwanan ang kanyang kababayan para angkinin ang gintong medalya sa women’s 42-kilometer marathon event ng 30th Southeast Asian Games kahapon dito sa New Clark City Athletics Stadium.

Nagsumite ang 26-an-yos na si Hallasgo ng bilis na dalawang oras, 56 minuto at 56 segundo para itakbo ang gold medal kasunod ang 30-anyos na si Tabal na nagtala ng 02:58.49 para sa silver medal.

Ang bronze medal ay nakuha ni Thi Hong Le Pham ng Vietnam na may 03:02.52.

“Unexpected talaga ito. Hindi ko kasi ini-expect na mananalo ako,” wika ng tubong Malaybalay, Bukidnon na si Hallasgo. “Basta kinondisyon ko lang ang katawan ko para hindi ako maiwan.”

Nabigo naman si Tabal, nagreyna noong 2017 SEA Games sa Malaysia, na mapapaganda ang kanyang personal best na 2:43.31.

Bago pa man ang laban ay inireklamo na ni Tabal, ang six-time Milo National Marathon queen, ang ruta na may ilang pababa at pataas na bahagi.

Sa kanyang pagtawid sa finish line ay napaluhod si Tabal, tumakbo sa Boston Ma-rathon, bago tuluyang mapahiga dahil sa sobrang kapaguran.

“Alam kong wala na because I am so exhausted. I am just happy that I finished second,” sabi ni Tabal.

Kaagad na sumaklolo ang mga paramedics at isinakay siya sa stretcher palabas ng stadium para bigyan ng paunang lunas.

Sa men’s marathon, tumapos lamang sina Jerald Zabala at Anthony Nerza sa pang-lima at pang-anim na puwesto, ayon sa pagkakasunod, na pinagharian ni Agus Prayogo (02:26.48) ng Indonesia.

Naorasan si Zabala ng 02:37.20, habang may 02:39.28 si Nerza.

Samantala, pamumunuan nina Fil-Am sprinters Kristina Knott at Kayla Richardson ang laban ng bansa sa Day Two ng athletics event ngayon.

Walong gintong medalya ang nakataya tampok ang bakbakan sa women’s 200-meter run kung saan sasabak sina Knott at Richardson.

Ang iba pang gold medal na paglalabanan ay sa men’s 10,000m run, men’s 200m dash, 4x400m mixed relay, men’s hammer throw, men’s long jump, men’s pole vault at women’s triple jump.

vuukle comment

CHRISTINE HALLASGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with