2-golds sa judo at sambo
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

CLARK, Philippines — Kagaya ng dapat asahan, nagbigay ng dalawang gintong medalya ang mga judokas habang isa ang galing sa sambo para sa kanilang kontribus-yon sa kampanya ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games.

Inangkin ni Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe ang gold medal sa women’s under 63-kilograms nang talunin si Chu Myat Noe Wai ng Myanmar para sa kanyang ‘four-peat’ sa biennial event sa Laus Group Events Center dito.

Nagdomina ang 23-anyos na si Watanabe noong 2013, 2015 at 2017 SEA Games sa Nap-yidaw, Singapore at Kuala Lumpur, Malaysia, ayon sa pagkakasunod.

Ang ikalawang gold medal ay nanggaling naman kay Shugen Nakano matapos talunin si B Prasetiyo ng Indonesia sa finals ng men’s under-66-kilogram division kahapon dito.

Isang puntos ang agwat ni Nakano bago niya iba-libag si B Prasetiyo sa huling mga segundo ng laban para agawin ang panalo at ang gintong medalya.

Sa Angeles University Foundation, inangkin naman nina mixed-martial artists Mark Edward Striegl at judoka Chino Sy ang dalawang gintong medalya sa men’s combat 74kg at 82kg division, ayon sa pagkakasunod, ng sambo competition.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with